Good morning po, Ako po'y regular na na gumagamit Ng atovi sa aking 4k broiler chicken.Ngunit ang proseso ko po ay inihahalo ko po sa inumin nilang tubig,dahil mahirap mag mix sa isang sakong feeds Gaya Ng na e adviced niyo po sa akin. Maganda po ang naging outcome sa production ko simula Ng nag atovi AKO.Ngunit may ibang katanungan AKO tungkol sa mga sisiw.Mokhang Hindi po sila hiyang sa atovi sa mga first week na sisiw.Mokhang may epekto sa paglaki nila.Sa Amin pong na obserbahan ay adopted Ng mga sisiw ang atovi pag medjo malaki na sila.Ilang days po ba sa mga sisiw ang karapat dapat umpisahan silang painumin Ng atovi? At pls paki inform niyo po sa akin Kong may atovi branch Napo kayo sa Davao,dahil bumabyahe pa Kami Jan sa Manila upang makabili Lang Ng atovi. Salamat po at sanay masagot niyo po ang aking mga katanungan. Henry
top of page
bottom of page
Sir Henry, salamat po sa isa sa mga regular na atovi user. ;) Ang atovi po kung gagamitin sa hayop ay mas maganda na tuloy-tuloy po. Simula po day old ay pinaiinom na po natin sila ng tubig na may atovi. Tungkol naman po sa branch sa davao ay wala pa po. May reseller po sa davao city pero address lang po ang binigay sa amin wala pong contact no. : Davao Harbest, Toom 305 bernardo bldg magallanes st davao city near gran men seng hotel. Para posa iba pa nyong tanong po.. makisuyo po na paki sagot ang mga sumusunod na tanong namin para po magkaroon din kami ng details at ma-aasess ang nangyayari po. ;) 1.) ilan po ang dosage ng atovi na inilalagay nyo sa gaano karaming tubig? 2.) Gaano kadalas po kayo maglagay ng atovi sa tubig para ma-take ng sisiw? 3.) Bakit po nyo nasabi na hindi hiyang sa atovi ang mga 1st week na sisiw? Ano po ang tinutukoy nyong nakita nyong epekto sa paglaki nila? 4.) sisiw po ng ano yan? (broiler po ba, gamefowl, layers, free range chicken (colored chicken). Salamat po ng marami.