atovi callcenter | Forum Comments
top of page

Forum Comments

Sa mga gustong matuto, panoorin ang FARMER'S TALK sa FBook
In Forum
atovi callcenter
Mar 23, 2018
ATOVI NANOTECHNOLOGY po.
0
0
newbie
In Forum
Inquire sana ako sa isa sa inyong produkto
In Forum
atovi callcenter
Dec 28, 2017
Magandang araw po. narito po ang aming standard usage of atovi and ANF sa palayan : PALAY (Palayan) Araruhin, suyurin ang lupa. Mas maganda kung maghalo ng 20 bag ng dumi ng hayop. Sa pagbabad ng binhi: Sa 1 drum na tubig, maglagay ng 1 kg.ATOVI. Haluin at saka ilubog dito ang binhi na nakasako. Tiyakin na napapasok ng tubig na may ATOVI ang kalooob-looban na laman ng sako. Ibabad ng 1 araw at kulubin/patiktikin ng 1 araw. KUNG IPUPUNLA: Diligan araw-araw ng tubig na may ATOVI na galing sa pinagbabaran ng binhi. 10-14 araw matapos ang paglipat-tanim o sa pagsisimula ng pagsusuhi (early tillering): 1 bag 14-14-14 + 2 tablet ANF + 1 kg ATOVI. 20 araw matapos maglipat-tanim o sa panahon ng aktibong pagsusuhi o active tillering: 1bag 46-0-0 2 tablet ANF 35 araw matapos ang lipat-tanim o sa pagsisimula ng paglilihi (panicle initiation): 1 bag 14-14-14 1 kg. ATOVI. 40 araw matapos ang lipat-tanim o sa panahon ng pamumulaklak, pagbubuntis (heading & flowering): 1 bag 14-14-14 + 2 tablet ANF 50-60 araw matapos ang paglipat-tanim o sa pagbubusog, pagma-malagatas (milky/ dough stage): 1 bag 14-14-14 1 kg. ATOVI. KUNG SABOG-TANIM: 1 linggo bago ang pagsabog-tanim o kaya ay bago ang paglipat-tanim (transplanting), maglagay ng 1 bag 46-0-0 (urea), 1kg.ATOVI. *Magtira ng 1 galon tubig (4litro) na may ATOVI para maipang-isprey sa binhi na isasabog-tanim. Sa binhi na SABOG-TANIM: ispreyan ng ATOVI ang binhi. KUNG ANG SISTEMA AY SABOG-TANIM: Makaraan magsabog-tanim, maglagay ng 1 bag 46-0-0 at 2 tablet ANF. Sa 15 araw matapos ang sabog-tanim, maglagay ng 2 tablet ANF 35 araw matapos ang sabog-tanim: 1 bag 14-14-14 + 2 tablet ANF + 1 kg. ATOVI. Sa ika-55 araw matapos ang sabog-tanim, maglagay ng 2 tablet ANF at 1 kg.Atovi.
0
0

atovi callcenter

More actions
bottom of page